Wednesday, October 28, 2009

Katrina Halili reacts to the DOJ's decision regarding her case against Hayden Kho Jr.


The Department of Justice has finally reached a decision regarding the case of Katrina Halili against cosmetic surgeon Hayden Kho Jr., which the actress filed last June under Republic Act 9262, or the Anti-Violence Against Women and Children Act.



Last October 22, the DOJ approved the indictment of the celebrity doctor in the complaint filed by Katrina, stemming from the video showing them in explicit sexual acts.



The DOJ's resolution states: "We find that the evidence presented by complainant during the preliminary investigation merit the prosecution of said respondent for violation of RA 9262."



For Katrina, it was the good news she has been wanting to hear.



"Natuwa po ako sa nangyari," commented Katrina on Startalk yesterday. "'Saka nagpapasalamat po ako sa mga taong tumulong sa akin lalong-lalo na si Senator Bong Revilla, family ko, at lahat ng sumuporta sa akin."



WHEN IS THE NEXT HEARING? "Wala pa at hindi ko nabasa ang resolution ng DOJ," said Katrina. "Hindi ko pa alam kung kailan, pero sana po matapos na kasi mahaba-haba na din."



What are Katrina's expectations about a trial's outcome? If found guilty, Hayden may face six months to 12 years in prison.



Katrina answered without hesitation, "Siyempre, gusto ko siya makulong, para matuto po siya sa ginawa niya. Pag biglang pinatawad nang ganoon na lang, e, yung mga tao gagayahin siya na puwede pala gawin iyon, di ba?"



IS SHE READY TO FACE HAYDEN IN COURT? More importantly, is she ready to once again tell the tale she has told so many times already?



"Nakahanda na po ako harapin siya," said Katrina. "Ihahanda ko na lang sarili ko kasi sobrang stressful iyon. Dumaan na ako ng Senate, ng DOJ, PMA [Philippine Medical Association], PRC [Professional Regulation Commission], lahat dinaanan ko, lahat kinukuwento ko. Paulit-ulit."



Is she disappointed that the cases she filed against Vicki Belo, Herbert "Bistek" Rosario, Erik Chua and Princess Velasco were junked?



"Actually, ayoko magsalita sa part na iyon kasi hindi ko pa nababasa at pag-uusapan pa [namin ni Atty. Raymund Palad] kung ano ang dapat gawin doon."



News came out recently that Hayden has changed his ways and has even joined the fight against violence against women. What is Katrina's say on this?



"Wala naman masama sa akin na sumali siya doon, e," Katrina pointed out. "Pero sana pagbayaran niya muna ang kasalanan niya, di ba?"



Is mediation or settlement an option?



Katrina said, "Sa ngayon wala akong nararamdaman na pinagsisihan niya, e. Kung pinagsisihan niya, unang-una sa lahat, kilala niya pamilya ko at sana pumunta siya dito at humingi ng tawad. Magpapakita siya na pumupunta sa ganito, sasali sa ganyan, para saan? Ipapakita sa TV para magpakitang-tao?"



CAN SHE EVER FORGIVE HAYDEN? "Paano natin ipapatawad ang taong hindi humihingi ng tawad?" Katrina said. "Napaka-plastik na hihingi ka ng sorry sa TV. Never siya humingi ng sorry. Noong nangyari iyon, sinabi niya na mga kaibigan daw niya naglabas."



Katrina is now taking the entire experience on a lighter note, even joking about it on some shows.



"Like sa show, makakarinig ka ng mga, 'Oy, "Careless Whisper," ganyan!'" laughed Katrina. "May contest at may pinasayaw ako tapos pinatugtog yung 'Careless Whisper.' Sabi ko, puwede ba, hindi ka si Hayden, stop the music! Ipapakulong kita! Haha!"



HOW'S HER CAREER? "Marami pa rin po na sumuporta sa akin, pero hindi ko na masasabi na gaya pa rin ako nang dati. Masasabi ng tao na nagbago ako. Kahit mga show ko sa GMA-7, Rosalinda lang tinanggap ko dahil hindi pa ako ready humarap sa ibang tao."



Katrina also admitted that she has yet to see Vicki Belo although she has wanted to tell her that she is sorry for what happened. "Na-in love lang talaga ako. Pasensiya na po," she sincerely said.



She remained stern in her message to Hayden: "Kung nagbago na siya ng ugali niya, e maganda para sa kanya. Pero harapin ang ginawa mo, so magharap tayo sa korte."

Source

Thursday, October 15, 2009

PEP: Katrina Halili wants to attend Emmys awards night


Sobrang natuwa si Katrina Halili nang makarating sa kanya ang balitang nominated ang ginawa nilang Sine Novela ni Dennis Trillo sa GMA-7, ang Magdusa Ka, sa 37th International Emmy Awards.

Sa dami raw na ipinadala na entries ng GMA-7, isa ang Magdusa Ka sa nakapasok sa final four nominees for Best Telenovela, kasama rin ang Kahit Isang Saglit (A Time For Us) ng kabilang istasyon. Ang ibang nominees ay India: A Love Story (Brazil) at Second Chance (France).

Very special para kay Katrina ang Magdusa Ka dahil yun ang first time na nagbida siya sa isang drama series.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang Magdusa Ka, kasi 'yan ang show na unang ginawa ko after ng matinding kontrabida role ko sa Marimar. Sa Magdusa Ka ako unang binigyan ng pagkakataon na maging lead actress, at for the first time din ay naging mabait at api-apihan ako," pahayag ng young actress.

"Kaya sobrang saya ko nang sabihin sa amin na kasama ang Magdusa Ka sa final four nominees for Best Telenovela sa International Emmy Awards. Ang laking karangalan na yung ma-nominate, di ba? Kasi international award-giving body ito. Ibig sabihin, tanggap na sa buong mundo ang mga ginagawa nating drama series," dagdag pa ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Gusto raw sanang personal na dumalo ni Katrina sa awards night na gaganapin sa November 23 sa New York. Kaya naman ipinagdarasal niya na maimbitahan sila.

"Natural, gusto kong um-attend doon. Bongga kaya 'yon! Maimbitahan man kami o hindi, magpapagawa ako ng gown ko na pang-red carpet. At least, ready na ako just in case," masaya nitong sabi.

Dagdag ni Katrina, "And if ever nga na mabigyan kami ng invitation, gusto kong escort si Direk Maryo [J. de los Reyes]. First time kasi akong madirek ni Direk Maryo sa Magdusa Ka at talagang piniga niya ako nang husto sa pagganap ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya."

"Ngayon, magkasama ulit kami sa Rosalinda at gano'n pa rin siya, hindi niya kami pinapabayaan sa pag-arte naming lahat sa show. Kaya gusto ko makasama sa New York kung maimbitahan man kami ay si Direk Maryo talaga," pahabol ng aktres.

Bukod sa Magdusa Ka at Kahit Isang Saglit, nominated din si Angel Locsin Bilang Best Actress para naman sa Lobo (The Wolf).

KRIS LAWRENCE'S TATTOO. Naitanong din ng PEP kay Katrina ang tungkol sa bagong tattoo ng singer na si Kris Lawrence sa kaliwang braso nito. Sa mga nakakita raw nito, may hawig daw sa mukha ni Katrina ang tattoo ni Kris.

Ano ang reaksiyon dito ni Katrina?

"Nakita ko na rin yung tattoo ni Kris at angel 'yon, e. Mahilig kasi sa music si Kris, di ba? Kaya parang angel of music daw 'yon. May mga nagsasabi nga na parang kahawig ko raw yung mukha ng angel sa tattoo ni Kris. Pero wala naman siyang sinasabi kung ako ba 'yon o nakahawig ko lang," sagot ng aktres.

Pero in case na mukha nga ni Katrina ang nasa tattoo ni Kris, matutuwa naman daw siya.

"Siyempre, nakaka-flatter 'yon, di ba? Parang ang ganda-ganda ko naman masyado! Tsaka it means na importante ka sa taong ito," ngiti niya.

Nabanggit ni Katrina na magkaibigan pa rin sila ni Kris.

"Isa pa rin naman si Kris sa mga very close friends ko ngayon. Kapag hindi kami sobrang busy, nagkikita naman kami kasama ang ibang kaibigan namin. Hindi naman nagbago ang friendship namin and he remains to be very supportive sa akin at sa mga pinagdaanan ko," aniya. - Ruel J. Mendoza, PEP

Source