Monday, June 30, 2008

Katrina Halili says comment of Iwa Moto is non-issue

"Mabait po si Iwa, kaibigan ko po yung tao. Huwag niyo po kaming pag-awayin," pleaded Katrina Halili, who was allegedly offended by Iwa Moto's remark on her previous roles as kontrabida.
Iwa Moto defended herself for the comment she gave to Katrina. The StarStruck alumna allegedly said that Katrina does not fit in a lead role, which the former will be playing in her next project Magdusa Ka.

In a taped interview with Startalk yesterday, April 26, the young actress clarified, "Na-misinterpret lang po siguro nila ako kasi ang pinapalabas ko po doon, ang sinasabi ko po doon na si Katrina, when you see her, ang makikita nyo po muna sa kanya is not Katrina Halili. Ang unang maiisip mo sa kanya, 'di ba, Angelica [Katrina's role in Marimar]. Yung parang ang character niya sa sobrang effective niya doon sa Marimar."

She reiterated, "Hindi bagay ang role niya bilang isang mabait na bida. Hindi masama dahil effective siya as kontrabida."

Iwa was sure that Katrina would take no offense about her remark because, "Si Katrina kaibigan ko po siya. Sa mga nagpapaaway sa amin, bahala sila sa buhay nila."

She also reminded the media how open she was to them. Iwa told Startalk, "Kapag kaaway ko, sinasabi ko naman po sa inyo na kaaway ko yung tao. Hindi naman ako magtatago ng feelings ko. Ako, kilala nyo naman ako ever since StarStruck. Open naman ako sa mga nararamdaman ko."

KATRINA' REACTION. Meanwhile, in a brief live interview with Katrina, it showed that Iwa was right that her friend would not take her comment seriously.

"Magkaibigan po kami [ni Iwa], magkapatid po kami," described Katrina about her relationship with fellow StarStruck hopeful.

The young actress also pleaded, "Mabait po si Iwa, kaibigan ko po yung tao. Huwag nyo po kaming pag-awayin.

On the other hand, to those who still do not believe in her capabilities as an actress, Katrina could only say, "Sabi ko nga po hindi naman lahat ng tao mapi-please ko na maniwala sila sa akin na kaya ko rin po. Kasi four years po, lahat ng roles ko kontrabida po."

In the upcoming telenovela titled Magdusa Ka, Katrina will play the role of the leading lady for the first time, while Iwa will be the kontrabida. Iwa's character in Joaquin Bordado was killed to free up her schedule for Magdusa Ka.

Sunday, June 29, 2008

Ladies you need to know - Katrina Halili

Maria Katrina Irene Pe Halili (born on January 4, 1986 in Quezon City but raised in El Nido, Palawan, Philippines), popularly known as Katrina Halili, is a Filipina actress of half Chinese descent. Katrina Halili is an alumna of the StarStruck talent search and was the cover girl of FHM Philippines for its December 2005 issue. She was subsequently voted as FHM Philippines' sexiest woman for the year 2006 and bagged the title yet again in 2007. She is the first StarStruck contestant to top the FHM Philippines' 100 Sexiest list. She's a three-time FHM covergirl. She's also known for her villainess roles in different shows.She is not related to StarStruck 1 finalist and co-avenger Sheena Halili. Despite their family name, they're close friends since their StarStruck and MariMar days.She is the lead villain in Marimar with Marian Rivera and Dingdong Dantes where she becomes a household name. She has called by the fans "The Paris Hilton of the Philippines" due to her beauty, appeal and looks. Halili and Cristine Reyes are the 2008 calendar girls for FHM. She has a leading role for the first time in Sine Novela: Magdusa Ka, which stars Dennis Trillo as her leading man whom she paired with, and Iwa Moto as an antagonist.

Saturday, June 28, 2008

Katrina Halili’s Camel Thong shocks parents

Concerned parents yesterday expressed shock at this photo of Katrina Halili, saying her camel toe was deliberately shown to incite lust in the predominantly Catholic country of the Philippines, where a Catholic priest was recently elected provincial governor. But others said there is nothing wrong in the picture or in her wardrobe.

"It's your mind that is dirty," said a college professor, when asked by PinoySpy Tabloid to comment on the picture.

Thursday, June 26, 2008

KATRINA Halili says she is hurt

KATRINA Halili says she is hurt when people quickly judge her ability to play a lead role now that she's topbilling the remake of "Magdusa Ka" opposite Dennis Trillo that will replace "Maging Akin Ka Lamang" on GMA-7's Dramarama sa Hapon.

"I wish panoorin muna nila ang show before they say anything," she says. "I will show na hindi lang ako pang-kontrabida kundi kaya ko ring magbida. Don't they want me to grow as an actress? I'm sure sawa na rin silang laging nang-aapi ako ng bida kaya give me a chance naman na ako naman ang apihin ngayon."

Katrina is no longer with GMA Artist Center after her contract with them expired last February. She is now handled by Director Rommel Gacho of Starstruck who she considers her father in showbiz. "I'll now be directly under GMA Network with Tatay Rommel guiding me personally at siyang personal na kakausapin nila."

What can she say about her Starstruck batchmate Cristine Reyes' decision to leave GMA for ABS? "Well, I respect her decision. Good luck to her. Ang importante naman, kunsaan ka masaya, di dun ka. E, ako, happy po ako with GMA, so dito pa rin ako sa Kapuso at wala akong planong lumipat at all."

How did she feel when Iwa Moto declared she fits villain roles more? "Parang kapatid ko si Iwa at Ate nga ang tawag sa akin niyan, so I don't feel she means anything bad when she said that. She plays the kontrabida nga to me in 'Magdusa Ka', so she'll be in a good position para makita kung kaya ko na ngang magbida o hindi. Kundi ko kaya, di siya na ang magbida. Chos! Joke lang!"

Does she think Iwa can do lead roles? "Why not? Siguro naman, bagay din sa kanya. Let's give her a chance. Just like me, yung mga nanghuhusga agad sa'kin, give me a chance naman muna."

Dina Bonnevie won several best actress awards for the lead role in "Magdusa Ka". Does she think she can duplicate Dina's portrayal? "I saw the movie on DVD and she's really good. Pero ayoko namang basta kopyahin ang acting niya. All I can say is that I will do my best at sana, huwag na lang kaming pagkumparahin kasi iba siya at iba rin naman ako. Basta, kakayanin ko kahit ibang talent ang ipapakita ko kasi dati, ako ang laging nagmamaldita, di ba? Pero ngayon, ako ang aapihin ni Iwa na siyang maldita rito. Alam ko, makakaya ko 'yung gawin, with flying colors."

Wednesday, June 25, 2008

Katrina Halili marami pang pangarap

Medyo nag-slim ngayon si Katrina Halili na kamakaila'y nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center.

"Marami lang trabaho. At medyo napagod ako nu'ng Holy Week kasi umuwi ako ng Palawan with my family," ito ang sey ng lead star ng forthcoming soap na Magdusa Ka.

Matunog ang balitang baka after being proclaimed FHM Cover Girl for two years ay siya pa rin ang hahawak ng korona sa ikatlong taon. Napangiti lang ang seksi at sinabing natutuwa siya dahil marami ang nagkakagusto sa kanya at nagpapasalamat din siya sa publikong bumoboto.

Nung April 26 ay itinampok ni Kat ang kanyang iingeree and swimsuit collections sa pamamagitan ng 15 kuwadro ng mga larawang luha nina Nicolo Cosme at Mark Nicdao sa Playmates Photo Exhibit sa Ten02 Bar sa Timog, Kyusi.

Napakaseksi ng mga pose ng bru. Pero walang provate parts na makikita. "Para sa'kin, kasi, ang seksi ay 'yung may naiiwan sa imahinasyon. Kaya tinakpan ang 'di dapat mabu-yangyang," sabi niyang may halong pagbibiro.

Mabibili ang mga kuwadro sa halagang P5,000 at maaari namang mag-order ng Playmates limted collection sa www. katrinahalili.com.ph. Hindi ito mabibili sa ibang outlet dahil talagang collectors' items lang.

Pangarap pa rin niyang magkaroon ng perfume at cologne line for ladies. At nag-start na siyang magpictorial para sa isang coffeetable book na ipapublish at ang target release ay sa Disyembre.

May temang pang-Tourism ito dahil iba't ibang scenic spots ng bansa ang magiging lokasyon. Ang unang venue nga'y ang Boracay Island sa Bisaya. Kasunod nito'y sa kanyang hometown sa El Nido sa Palawan kung saan pa-ngarap niyang magtayo ng isang resort para sa mga bakasyonista at nagse-seminar.

Puro negosyo ang nasa isip at pangarap niya nga-yon kaya mukhang nasa backseat ang kanyang lovelife.

"Naloloka ako 'pag inlab. Nadidiskaril ang utak, ganun. Kaya, wala muna ang pag-ibig," sabi pa niya.

Tuesday, June 24, 2008

Katrina Halili leaves sexy contravida roles to Iwa Moto

"Pero depende naman 'yan sa taste ng mga bumoboto sa FHM, e. Kung sa tingin nila na pasok na si Iwa at puwede na akong palitan, okey lang. Hindi big deal sa akin 'yon. Ako lang naman ang twice na tinanghal at back-to-back pa, 'di ba?" says Katrina Halili about friend and Magdusa Ka co-star Iwa Moto .

Mula na mismo kay Katrina Halili, tanggap niya na si Iwa Moto ang puwedeng pumalit sa kanyang trono bilang sexy contravida ng GMA-7.

Sa naging press launch nga ng GMA Sine Novela na Magdusa Ka kunsaan magbibida na si Katrina, natanong sa kanya kung payag na ba siya na ang kasunod na sa kanyang iiwan na trono bilang sexy contravida ay si Iwa Moto? Wala namang tanggi si Katrina rito.

"Oo naman. Puwedeng-puwede na si Iwa," ngiti pa ni Katrina. "Si Iwa kasi, iba ang dating niya. Sabi nga nila, pareho kaming malakas ang dating. Kahit ano ang lumabas sa bibig namin, nagiging malaking issue. Yan ang napapansin ko kay Iwa. Kontrobersyal siya na hindi niya sinasadya.

"Tsaka sexy siya. Yun ang importante. Kapag sexy ka kasi, maraming bukas na opportunities para sa iyo. Puwede ka sa comedy, drama, action at siyempre ang magkontrabida. Sa mga napapanood ko na mga nilabasan ni Iwa, puwedeng-puwede na siya talaga na pumalit sa akin. At least, kasing-sexy at kasing-kontrobersyal ko ang papalit, 'di ba?"

Okey lang din ba kay Katrina kung sakaling maungusan na siya ni Iwa sa pagiging sexiest woman sa Pilipinas ng FHM para sa taong ito?

"Ay, teka. May lumabas na ba? Diyan yata ako hindi papayag pa!" malakas na tawa ni Katrina. "Aapela ako diyan!

"Pero depende naman 'yan sa taste ng mga bumoboto sa FHM, e. Kung sa tingin nila na pasok na si Iwa at puwede na akong palitan, okey lang. Hindi big deal sa akin 'yon. Ako lang naman ang twice na tinanghal at back-to-back pa, 'di ba?

"Pero kung feel pa rin nila na I still deserve the top spot, buong-puso kong tatanggapin 'yon. It means na reyna pa rin ako, 'di ba?"

BIG HELP FROM DIREK MARYO. Sa Magdusa Ka nga ay ibang Katrina ang mapapanood. Mawawala na ang mga pagtataray niya at isang nakakaawa at api-apihan na Katrina ang kapalit. Nagpapasalamat nga si Katrina kay Direk Maryo J. delos Reyes dahil tinulungan siya nitong mawala ang mga nakagisnan niyang mga mannerisms sa pag-arte bilang isang kontrabida.

"Apat na taon kasing sunud-sunod ang pagkokontrabida ko, 'di ba? Kaya hindi ko maalis yung mga pagtataas ng kilay, mataray na boses at yung kilos ng katawan ko. Sabi ni Direk Maryo, i-tone down ko raw dahil hindi na ako ang kontrabida rito kundi si Iwa na.

"Minsan nga nakakalimutan ko na ako na pala ang bida. Iba na ang dapat na kilos at pananalita ko. So, malaking tulong si Direk Maryo kasi malaki ang iniba niya sa pagganap ko sa Magdusa Ka," pagtatapos pa ni Katrina Halili.

Monday, June 23, 2008

Stef Prescott considers Katrina Halili as an inspiration

Lagi nang naitatanong kay Stef Prescott kung masaya na ba siyang tila nata-typecast sa pagiging kontrabida. After ng villain role niya sa Sine Novela na My Only Love, may partisipasyon uli siya sa Ako Si Kim Sam Soon na nagtatampok kay Regine Velasquez bilang pangunahing bida. Ang papel ni Stef dito ay isa sa napakaraming kontrabida.

"Kontrabida ako rito ni Jennica Garcia," kuwento ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala sa akin yun. In fact, masaya ako dahil may bago akong trabaho. Nagkakataon lang talaga na sa tuwing nai-interview mo ako, may bago akong project at kontrabida uli ang role na na-assign sa akin."

Patuloy niya, "Iba kasi ang tingin ko diyan, lalo sa GMA-7. Hindi ka naman nila ita-typecast ng ganyan lang. Nakita ko kasi ang nangyari kay Katrina Halili. Puro kontrabida ang ibinibigay sa kanya noon, and look at her now, bidang-bida siya sa Magdusa Ka at credible siyang api-apihan."

So does she mean to say na inspiration niya ngayon si Katrina?

"Why not?" nangingiting sabi ni Stef. "Look at Jean Garcia, gumaganap siyang kontrabida. Pero ngayon, inaapi-api siya sa Dyesebel, at naipapakita niya ang versatility niya.

"Ganoon naman talaga dapat ang artista. Inspiration for me si Katrina, pero hindi sa point ng pagpapa-sexy. I mean, huwag na muna. Wala pa akong ipapakita. Bata pa ako. I'm only 17. Yun lang naman ang dahilan.

"In fairness, mahusay si Katrina. Napapanood ko siya dati sa Marimar, mahusay siyang magkontrabida. Effective ang pagko-kontrabida niya, at gusto kong pag-aralan at gamitin din ang styles niya. Pero siyempre, ide-develop ko rin yung sariling style ko. Maganda talaga yung original pa rin ako, at yun ang gusto kong mapanood ng mga tao in the future," pahayag niya.

Naiisip din ni Stef na balang-araw, mabibigyan siya ng chance na magbida.

"Sa ngayon, 'yan pa lang ang naibibigay sa akin para makapag-umpisa. Wala akong nakikitang masama. My work is to act, kaya anuman ang ibigay na trabaho sa akin, kailangang magampanan kong mabuti," sabi ng StarStruck 4 Avenger.

TOO YOUNG TO GO SEXY. Wala bang nag-o-offer sa kanya na mag-pose sa FHM, o iba pang sexy men's magazines?

"Ewan kung meron," sambit niya. "Baka wala lang sinasabi ang manager ko sa akin. Pero alam naman nilang napakabata ko pa para pumayag. Huwag na muna. Sabi ko nga, I just turned 17.

"To be honest about it, pangarap ko ring magbida, magkaroon ng sariling teleserye na ako ang lead. Pero alam kong marami pa akong pagdaraanan. Realistic ako pagdating sa bagay na 'yan. Kaya habang naghihintay, ito na munang pagkokontrabida ang gagawin ko, at nag-e-enjoy naman kasi ako.

"Gusto ko ring maging singer, pero sa ngayon, puro voice lessons na muna ako. Kung papasukin ko ang pagkanta, kailangang handa talaga ako. Kumakanta ako, pero not good enough for a recording deal. Kapag nag-improve na ako at sa palagay ko confident na ako para sa ganyang challenge, okay lang.

"Sabi nga ng mga nagtuturo sa aking kumanta, hindi ko kailangang magmadali. One year pa lang ako sa showbiz. Hindi ko muna raw kailangang pasukin ang recording.

"I guess, that's what I'm doing. Nagsasanay pa nang husto sa singing and acting, preparing myself for bigger breaks. Kung dumating man, at least, handa na ako," pagwawakas ni Stef.

Sunday, June 22, 2008

Sexy actress pooh-poohs 'affair' with Vicki Belo's BF

SEXY actress Katrina Halili dismissed issues she is having an affair with Dr. Hayden Kho who is the boyfriend of prominent cosmetic surgeon Dr. Vicki Belo.

Both Vicky and Katrina scoffed at rumors in a separate interview last Saturday.

"I don't know where the issues are coming from. What's important is Dr. Belo and I are okay, I highly respect them. I hope they would not make issues about us," Katrina said.

For Belo's part, she said, "You know, Katrina is our baby. She is our patient for years. And she is a nice lady, super sweet, and kind. I will not be insecure with her as she became loyal to me. She'll never do anything like that. I know many would flirt with Hayden when he joined showbiz but not Katrina."

Hayden also dismissed the rumors, saying: "Intrigues are okay but not to the extent that they would make people believe because she might be affected. As of now it still doesn't, but it (issues) will eventually affects our relationship. She (Katrina) is a very good girl. Her image is very sweet, so I hope it will not (issues won't go any further)."

The couple added that they don't want Katrina to be aloof to them as they said they both love the sexy actress.

Katrina likewise put down issues that she is visiting Hayden at his condo unit, saying they only see each other when she visits the clinic of Belo.

Belo is confident that Katrina's "secret affair" with his boyfriend is merely rumors, as she knows that Hayden "preferred more mature women".

"Hayden is attracted with elder beautiful women, older woman, because they are more stable. We are not so much rattled with such issues. I know where I stand with him. I feel secure with his love. I understand him very well. So I hope this is true. I hope next year, we are still here together," Belo said.

But still Belo could not hide her worries as Hayden chooses to concentrate with his showbiz career, as he is part of the cast of "Kim Sam Soon" starring Regine Velasquez.

"Now that he is far from me, he is taping in Tagaytay for three days... We have not been apart, so I don't know... I am secure because we are together 24/7. When I don't see him, I am a little bit scared. But we made an agreement that if I have a little insecurity or suspicion, we'll talk about it," she said.

When asked if he is ready for all the intrigues showbiz would implicate him, Hayden said: "I guess it's my baptism of fire."

"This is really part of show business, all the intrigues. I mean, I am new in showbiz. So, I don't really understand if controversies really exist. It's really like the lifeblood of showbiz," he said.

Meanwhile, Katrina is overwhelmed with the high ratings that her afternoon television series "Magdusa Ka" is earning.

Katrina now proved that she could be a "kontrabida" and a "bida" as well. But she shared that doing villain roles are easier than crying for almost 24 hours like what oppressed leading actors do.

Saturday, June 21, 2008

Katrina Halili saw her ex-bf Andrew Schimmer in Great Bodies -winners are Joanna and James Mark

Katrina Halili did a live performance in the 2007 Mr. and Ms. Great Bodies Night Competition. She was stunned when she saw her ex-boyfriend Andrew Schimmer with a musculine and solid body. "Basta nagulat lang po ako yun lang ang reaction ko..wowww! ganun (laughs)....pinaghirapan niya talaga yun" katrina said. The muscle men and women were judge in aerobics, question and answer, display of muscles in parts of the body categories. At the end the winners are Joanna Bandao in women's division and James Mark Banzon in Men's division.

Friday, June 20, 2008

Katrina Halili wants to become a lead actress

Katrina Halili has been tagged already as always a villain or kontrabida actress. Now after celebriting her birthday, she wished if possible not be offered as a kontrabida role in her future projects but she isn't closing her doors on that. She hopes to be in a comedy show or movie too. This means that she just wants to shift roles on her career for a change.

Thursday, June 19, 2008

Katrina Halili moves to lead-role status via "Magdusa Ka"

Hindi lang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nagtamasa ng tagumpay dahil sa Marimar na nagtapos last Friday, March 14. Tulad nina Marian at Dingdong na nagkaroon ng sunud-sunod na endorsements, sumabay din sa kanila si Katrina Halili who played Angelika, the lead villain to Marimar and Sergio.

At ngayon, ang Philippines' Sexiest Woman for FHM two years in a row ay susugulan na rin ng GMA-7 with a lead role for her next Kapuso soap.

Si Katrina ang napipisil na gumanap sa original character created by Dina Bonnevie sa Magdusa Ka, the 1986 movie of Viva Films directed by Eddie Garcia. Next in line itong proyekto sa mga Sine Novela na gagawin for the Dramarama Sa Hapon block.

If ever, this will be Katrina's first TV lead role although nakapagbida na siya sa pelikula, particularly sa Gigil, kung saan siya na-introduce, and Super Noypi.

Makaka-partner ni Katrina sa Magdusa Ka si Dennis Trillo. Si Maryo J. de los Reyes ang kinakausap na magdirek nitong afternoon soap.

Wala pang napipili na gumanap sa role na ina ni Dina, first portrayed by the late movie queen Nida Blanca, although Ms. D has verbally expressed her interest. Nida won several Best Supporting Actress awards for her role in Magdusa Ka.

Balita ring palalakihin ang role ng other woman noon, played by Pinky Amador, na balita namang inalok kay Cristine Reyes. But with Cristine's desire to move to ABS-CBN, mukhang hindi na sa kanya mapupunta ang role.

Dennis will do the original Christopher de Leon role in the Eddie Garcia-directed film.

Ang Magdusa Ka ang ika-walong Sine Novela ng GMA-7 at siyang papalit sa Maging Akin Ka Lamang, na currently ay nasa week nine na.

Wednesday, June 18, 2008

Katrina Halili ignores talks that she directly asked GMA-7 for her role in "Magdusa Ka"

Ayon kay Katrina Halili, Marimar days pa lang ay tahasan na niyang sinasabi na, hangga't maaari, ayaw muna niyang gumawa ng another kontrabida role sa susunod niyang proyekto.

Obviously, hindi naman nagbingi-bingihan ang Kapuso Network sa kanya. Heto nga't siya na ang bida ngayon sa Magdusa Ka, ang bagong series ng Kapuso tuwing hapon. At 'di lang basta bida role ang gagampanan ni Katrina dahil very interesting at challenging ang character na dating ginampanan ni Dina Bonnevie.

Bagama't sinasabi ni Katrina na ang dream role niyang talaga ay ang Super Inday, masaya na raw siya na ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 ang TV remake ng Magdusa Ka.

"Siyempre naman, masaya ako na binigyan ako ng GMA-7 ng remake ng Magdusa Ka. Ipinagkatiwala sa akin. Napanood ko po yung [original na] Magdusa Ka. Noong sinabi na sa akin, pinanood ko po at na-challenge ako sa role ni Ms. Dina sa movie."

Dedma rin si Katrina sa pasaring ng iba na she directly asked GMA-7 for a leading role naman. Aminado naman kasi siya na sinabi niya talagang ayaw na muna niyang gumanap na kontrabida.

"Alam po ng GMA. Alam po nila dahil sinabi ko na after po ng Marimar, ayoko munang tumanggap ng [role na] kontrabida.

"Sa akin po, okey lang na pumunta muna 'ko ng Bubble Gang, sitcom na lang po muna. Parang...kung hindi po kasi ako titigil sa pagtanggap ng kontrabida, hanggang sa pagtanda ko, yun na lang ang ipapakita ko, 'di ba? Siyempre, gusto ko rin namang ipakita sa kanila na kaya ko rin namang gumawa ng ibang role."

Hindi rin daw ito nangangahulugan na nagmamadali siyang magbida.

"Ay, naku, hindi po! Hindi ako nagmamadali. Iba, e... kahit sabihin nilang yung kontrabida [role] na yun, artista ka, dapat ganoon. Pero sa totoo lang, naaapektuhan talaga ang pagkatao ko.

THANKFUL TO FHM. "Noong mag-start ako sa StarStruck, ang tingin nila sa akin sexy star. Hanggang sa mapunta na nga 'ko sa bold. Pero sabi ko, 'Teka, aalagaan ko ang career ko at papatunayan ko sa kanila na hindi ako papunta roon [sexy roles].' So ngayon, masaya 'ko na naipapakita ko sa mga tao na... alam n'yo yun, parang tingin nila porke nag-pose sa FHM, yuck, kadiri! Ano ba yun? Pero hindi, e."

Pero hindi raw ibig sabihin na ayaw niyang ma-identify sa FHM. In fact, nagpapasalamat nga raw siya sa ginawa ng FHM sa kanyang career. She graced its cover many times at dalawang beses pa siyang naging Philippines' Sexiest Woman.

"Ay, siyempre po. Thank you naman sa FHM dahil alam ko naman at alam naman ng mga tao na sila naman talaga ang unang nakapansin sa akin, 'di ba?"

GUIDED BY DIREK MARYO. Iba na siyempre ngayon ang weight sa kanya ng show dahil siya na mismo ang bida at sa kanya na nakataya kung anuman ang magiging outcome nito, unlike noong siya ang gumaganap na kontrabida.

So, PEP asked Katrina kung wala ba siyang nararamdamang takot na sa unang pagkakataon ay siya naman ang bida.

"Well, kung yung iba, iniisip nila, 'Ay, naku, kontrabida?' Wait lang sila at papakitaan ko sila," natatawa niyang sabi. "Actually po, siyempre po, gagawin ko naman po'ng lahat ang makakaya ko. Siyempre, tutulungan din naman po ako ni Direk Maryo J. delos Reyes na i-guide.

"Like noong last shoot namin, sabi niya, 'Kat, dapat hindi ka masyado ganito, ganyan.' So, sabi ko sa kanya, 'Naku, Direk, pasensiya na po kayo kasi, lahat ng past shows ko, puro fantaserye. 'Tapos nagkaka-show ako na tao na ako, like Lupin, 'tapos yung Angelika character ko sa Marimar na ginawa kong teatro... para akong nagpi-play!' So, noong nag-drama na 'ko, first time kong nag-drama, parang iba.

"Hindi naman siya mahirap kundi parang meron lang akong mga hindi pa alam."

MAKING SURE SHE'S THE "BIDA." Sa Magdusa Ka, Katrina makes sure daw na ang makeup niya ay hindi makapal at pinapalaki niya ang mata niya dahil kapag hindi, nagmumukha raw kasi siyang Taiwanese.

After ba niyang maranasang maging bida na nga, may plano pa rin ba siyang gumawa ng mga kontrabida roles or mas magiging choosy pa siya ngayon in terms of her projects?

"Kontrabida? Well, siguro lang kung maganda talaga ang character, pero, ayoko na talaga, eh. Masyado na 'kong perfect sa kontrabida role," natatawa niyang sabi. "Tingin ko, graduate na 'ko. Kaya palagay ko, dapat, iba naman.

"Gusto ko lang talaga na bilang artista, may maipakita rin akong ibang talents at hindi lang yung puro pagmamaldita, 'di ba?"

NO WAR WITH IWA. Nilinaw rin ni Katrina na walang away sa pagitan nila ng gumaganap na kontrabida naman ngayon sa kanya na si Iwa Moto. In fact, kung siya naman daw talaga ang tatanungin, si Iwa lang ang nakikita niyang puwedeng humalili sa kanya sa ganoong role.

Aniya, "alam nyo, hindi po totoo 'yang mga away-away. Kasi sa totoo lang, 'yang si Iwa, medyo prangkang magsalita. Pero hindi niya mini-mean na pangit palang pakinggan. Like yung sinabi niyang, 'Kapag nakikita ko siya [Katrina], nakikita ko si Angelika,' yung ganyan...
"Pero para sa akin, wala yun, e. Prangka lang siya. Bata lang siya."

Aware rin si Katrina na bago si Iwa, kay Cristine Reyes muna unang in-offer ang role nito. Pero naiintindihan daw niya si Cristine sa kung anuman ang naging desisyon nito, tulad ng paglipat nga sa Kapamilya Network.

"Alam ko, kasi, magka-text naman kami, nagkakausap kami. Kaibigan ko yun. So, si Cristine, may iba siyang problema, siyempre, hindi ko puwedeng idetalye. Basta, ang sabi ko lang sa kanya, 'Kung saan ka masaya.' Kasi, tayo naman, nabubuhay sa mundo sa kung saan tayo masaya, dun tayo."

LOYAL KAPUSO. Sa ngayon, sigurado raw siyang magiging loyal Kapuso siya.
"Alam nyo, dumating sa akin ang point na for almost three months, walang nagha-handle sa akin. Wala ako sa Artist Center, hindi rin ako GMA, pero, nagwo-work pa rin ako sa Network. So, hangga't maari, hindi ako aalis sa Kapuso, dito na 'ko."

Pero dugtong din niya, ten years from now, siyempre, hindi rin niya alam kung may posibleng pagbabago. Pero magkaganuman nasabi pa rin niyang, "Siyempre, hangga't maaari, ayokong umalis sa GMA. Dito na 'ko nagsimula. Dito na 'ko lumaki," tahasan niyang pahayag.

Tuesday, June 17, 2008

Iwa Moto clarifies Katrina Halili ‘kontrabida’ issue

Nagdududa nga ba si Iwa Moto sa kakayahan ng kanyang kaibigan na si Katrina Halili na maging bida sa bagong telenobela sa GMA 7 na "Magdusa Ka?"

Sa ulat ng entertainment reporter na si Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, nilinaw ni Iwa ang nasabing isyu upang hindi na tuluyang lumaki.

"Siguro po na- misinterpret lang ng ibang tao. Ang sabi ko si Katrina effective na kontrabida…na nadala nya ko bilang (siya si) Angelica. Hanggang ngayon ang tingin ko sa kanya si Angelica. (Pero) Siyempre mababago yun… yun role nya na bago (sa Magdusa Ka)," paliwanag ni Iwa na magiging kontrabida ni Katrina sa bagong soap na aabangan ng lahat.

Sa kabila ng naglabasang mga intriga, nagpapasalamat si Iwa dahil hindi apektado ang kanilang barkadahan. Nagkita nga sila sa photo shoot para sa Magdusa Ka." At ano naman kaya ang kanilang tsikahan?

"Nag-aasaran nga kami, nagtatawanan kami. Sabi nya sa'kin o ano yun mga lumalabas na isyu? Sabi ko friend kilala mo naman yung mga tao as much as possible gagawa sila ng paraan para siraan yun friendship," kwento ni Iwa.

Dahil sa pagkakasama ni Iwa sa "Magdusa Ka," kailangan nya ngayong maglagare sa dalawang soap dahil kasama rin siya sa nangungunang telefantasya ng GMA na "Joaquin Burdado."

Hindi kaya napapagod ang seksing aktres sa sobrang trabaho?

"There's no such thing na overwork. Depende na naman sa'yo yun kasi kahit nagtatrabaho ka pwede ka naman magpahinga sa set," paliwanag niya. "Trabaho lang kasi kailangan mo ito, kailangan gampanan mo ng aaayos ang mga ibinibigay sa 'yong trabaho."

Hindi rin daw isyu para kay Iwa na lagi siyang second choice sa mga project na ginagawa nya ngayon. "Ako yun tipo na hindi tumantanggi sa mga ibinigay sa akin. As much as possible pag meron grab the opportunity kasi eto na yun. ..kahit hindi sa'yo unang inoffer at least may trabaho ka."