Love comes from the most unexpected places. So does tsismis. Aakalain ko ba na sa minsang pakikipag-umpukan ko sa isang inuman, little did I know that one of my drinking partners happened to be an ex-boyfriend of Katrina Halili? Bagama't ang tsika did not come straight from the horse's mouth, ang hipag nito ang nagkukuwento.
''Alam mo ba na iniyakan at hinabul-habol ni Katrina 'yang bayaw ko (Monching ang pangalan)?'' sey ng aking source, na hindi naman nakapagtatakang mabaliw ang sexy actress sa tumaba, pero guwaping pa ring guy. Nasa late twenties pa lang si Monching, na noong nakarelasyon daw si Katrina ay meron nang asawa't anak.
''Ano pa?! Alam ni Katrina na may sabit na si Monching, pero pinatulan pa rin niya. Eto namang bayaw ko, ikinukuwento sa misis niya na kapatid ko. Siyempre, feeling honest. Pero inaway-away ng sister ko ang bayaw ko, hayun, nakipag-split siya kay Katrina. Magulat-gulat na lang kami, biglang nag-artista,'' dagdag pa ng source ko.
Bigla ko tuloy naalala 'yung tsismis na pinagseselosan daw ni Lucy Torres si Katrina na kasama ni Richard Gomez sa Marimar. Richard is very much married, tulad nu'ng Monching na nakainuman ko.
So, do I say beware, Lucy?
No comments:
Post a Comment