Tuesday, June 17, 2008

Iwa Moto clarifies Katrina Halili ‘kontrabida’ issue

Nagdududa nga ba si Iwa Moto sa kakayahan ng kanyang kaibigan na si Katrina Halili na maging bida sa bagong telenobela sa GMA 7 na "Magdusa Ka?"

Sa ulat ng entertainment reporter na si Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, nilinaw ni Iwa ang nasabing isyu upang hindi na tuluyang lumaki.

"Siguro po na- misinterpret lang ng ibang tao. Ang sabi ko si Katrina effective na kontrabida…na nadala nya ko bilang (siya si) Angelica. Hanggang ngayon ang tingin ko sa kanya si Angelica. (Pero) Siyempre mababago yun… yun role nya na bago (sa Magdusa Ka)," paliwanag ni Iwa na magiging kontrabida ni Katrina sa bagong soap na aabangan ng lahat.

Sa kabila ng naglabasang mga intriga, nagpapasalamat si Iwa dahil hindi apektado ang kanilang barkadahan. Nagkita nga sila sa photo shoot para sa Magdusa Ka." At ano naman kaya ang kanilang tsikahan?

"Nag-aasaran nga kami, nagtatawanan kami. Sabi nya sa'kin o ano yun mga lumalabas na isyu? Sabi ko friend kilala mo naman yung mga tao as much as possible gagawa sila ng paraan para siraan yun friendship," kwento ni Iwa.

Dahil sa pagkakasama ni Iwa sa "Magdusa Ka," kailangan nya ngayong maglagare sa dalawang soap dahil kasama rin siya sa nangungunang telefantasya ng GMA na "Joaquin Burdado."

Hindi kaya napapagod ang seksing aktres sa sobrang trabaho?

"There's no such thing na overwork. Depende na naman sa'yo yun kasi kahit nagtatrabaho ka pwede ka naman magpahinga sa set," paliwanag niya. "Trabaho lang kasi kailangan mo ito, kailangan gampanan mo ng aaayos ang mga ibinibigay sa 'yong trabaho."

Hindi rin daw isyu para kay Iwa na lagi siyang second choice sa mga project na ginagawa nya ngayon. "Ako yun tipo na hindi tumantanggi sa mga ibinigay sa akin. As much as possible pag meron grab the opportunity kasi eto na yun. ..kahit hindi sa'yo unang inoffer at least may trabaho ka."

No comments: