Wednesday, June 18, 2008

Katrina Halili ignores talks that she directly asked GMA-7 for her role in "Magdusa Ka"

Ayon kay Katrina Halili, Marimar days pa lang ay tahasan na niyang sinasabi na, hangga't maaari, ayaw muna niyang gumawa ng another kontrabida role sa susunod niyang proyekto.

Obviously, hindi naman nagbingi-bingihan ang Kapuso Network sa kanya. Heto nga't siya na ang bida ngayon sa Magdusa Ka, ang bagong series ng Kapuso tuwing hapon. At 'di lang basta bida role ang gagampanan ni Katrina dahil very interesting at challenging ang character na dating ginampanan ni Dina Bonnevie.

Bagama't sinasabi ni Katrina na ang dream role niyang talaga ay ang Super Inday, masaya na raw siya na ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 ang TV remake ng Magdusa Ka.

"Siyempre naman, masaya ako na binigyan ako ng GMA-7 ng remake ng Magdusa Ka. Ipinagkatiwala sa akin. Napanood ko po yung [original na] Magdusa Ka. Noong sinabi na sa akin, pinanood ko po at na-challenge ako sa role ni Ms. Dina sa movie."

Dedma rin si Katrina sa pasaring ng iba na she directly asked GMA-7 for a leading role naman. Aminado naman kasi siya na sinabi niya talagang ayaw na muna niyang gumanap na kontrabida.

"Alam po ng GMA. Alam po nila dahil sinabi ko na after po ng Marimar, ayoko munang tumanggap ng [role na] kontrabida.

"Sa akin po, okey lang na pumunta muna 'ko ng Bubble Gang, sitcom na lang po muna. Parang...kung hindi po kasi ako titigil sa pagtanggap ng kontrabida, hanggang sa pagtanda ko, yun na lang ang ipapakita ko, 'di ba? Siyempre, gusto ko rin namang ipakita sa kanila na kaya ko rin namang gumawa ng ibang role."

Hindi rin daw ito nangangahulugan na nagmamadali siyang magbida.

"Ay, naku, hindi po! Hindi ako nagmamadali. Iba, e... kahit sabihin nilang yung kontrabida [role] na yun, artista ka, dapat ganoon. Pero sa totoo lang, naaapektuhan talaga ang pagkatao ko.

THANKFUL TO FHM. "Noong mag-start ako sa StarStruck, ang tingin nila sa akin sexy star. Hanggang sa mapunta na nga 'ko sa bold. Pero sabi ko, 'Teka, aalagaan ko ang career ko at papatunayan ko sa kanila na hindi ako papunta roon [sexy roles].' So ngayon, masaya 'ko na naipapakita ko sa mga tao na... alam n'yo yun, parang tingin nila porke nag-pose sa FHM, yuck, kadiri! Ano ba yun? Pero hindi, e."

Pero hindi raw ibig sabihin na ayaw niyang ma-identify sa FHM. In fact, nagpapasalamat nga raw siya sa ginawa ng FHM sa kanyang career. She graced its cover many times at dalawang beses pa siyang naging Philippines' Sexiest Woman.

"Ay, siyempre po. Thank you naman sa FHM dahil alam ko naman at alam naman ng mga tao na sila naman talaga ang unang nakapansin sa akin, 'di ba?"

GUIDED BY DIREK MARYO. Iba na siyempre ngayon ang weight sa kanya ng show dahil siya na mismo ang bida at sa kanya na nakataya kung anuman ang magiging outcome nito, unlike noong siya ang gumaganap na kontrabida.

So, PEP asked Katrina kung wala ba siyang nararamdamang takot na sa unang pagkakataon ay siya naman ang bida.

"Well, kung yung iba, iniisip nila, 'Ay, naku, kontrabida?' Wait lang sila at papakitaan ko sila," natatawa niyang sabi. "Actually po, siyempre po, gagawin ko naman po'ng lahat ang makakaya ko. Siyempre, tutulungan din naman po ako ni Direk Maryo J. delos Reyes na i-guide.

"Like noong last shoot namin, sabi niya, 'Kat, dapat hindi ka masyado ganito, ganyan.' So, sabi ko sa kanya, 'Naku, Direk, pasensiya na po kayo kasi, lahat ng past shows ko, puro fantaserye. 'Tapos nagkaka-show ako na tao na ako, like Lupin, 'tapos yung Angelika character ko sa Marimar na ginawa kong teatro... para akong nagpi-play!' So, noong nag-drama na 'ko, first time kong nag-drama, parang iba.

"Hindi naman siya mahirap kundi parang meron lang akong mga hindi pa alam."

MAKING SURE SHE'S THE "BIDA." Sa Magdusa Ka, Katrina makes sure daw na ang makeup niya ay hindi makapal at pinapalaki niya ang mata niya dahil kapag hindi, nagmumukha raw kasi siyang Taiwanese.

After ba niyang maranasang maging bida na nga, may plano pa rin ba siyang gumawa ng mga kontrabida roles or mas magiging choosy pa siya ngayon in terms of her projects?

"Kontrabida? Well, siguro lang kung maganda talaga ang character, pero, ayoko na talaga, eh. Masyado na 'kong perfect sa kontrabida role," natatawa niyang sabi. "Tingin ko, graduate na 'ko. Kaya palagay ko, dapat, iba naman.

"Gusto ko lang talaga na bilang artista, may maipakita rin akong ibang talents at hindi lang yung puro pagmamaldita, 'di ba?"

NO WAR WITH IWA. Nilinaw rin ni Katrina na walang away sa pagitan nila ng gumaganap na kontrabida naman ngayon sa kanya na si Iwa Moto. In fact, kung siya naman daw talaga ang tatanungin, si Iwa lang ang nakikita niyang puwedeng humalili sa kanya sa ganoong role.

Aniya, "alam nyo, hindi po totoo 'yang mga away-away. Kasi sa totoo lang, 'yang si Iwa, medyo prangkang magsalita. Pero hindi niya mini-mean na pangit palang pakinggan. Like yung sinabi niyang, 'Kapag nakikita ko siya [Katrina], nakikita ko si Angelika,' yung ganyan...
"Pero para sa akin, wala yun, e. Prangka lang siya. Bata lang siya."

Aware rin si Katrina na bago si Iwa, kay Cristine Reyes muna unang in-offer ang role nito. Pero naiintindihan daw niya si Cristine sa kung anuman ang naging desisyon nito, tulad ng paglipat nga sa Kapamilya Network.

"Alam ko, kasi, magka-text naman kami, nagkakausap kami. Kaibigan ko yun. So, si Cristine, may iba siyang problema, siyempre, hindi ko puwedeng idetalye. Basta, ang sabi ko lang sa kanya, 'Kung saan ka masaya.' Kasi, tayo naman, nabubuhay sa mundo sa kung saan tayo masaya, dun tayo."

LOYAL KAPUSO. Sa ngayon, sigurado raw siyang magiging loyal Kapuso siya.
"Alam nyo, dumating sa akin ang point na for almost three months, walang nagha-handle sa akin. Wala ako sa Artist Center, hindi rin ako GMA, pero, nagwo-work pa rin ako sa Network. So, hangga't maari, hindi ako aalis sa Kapuso, dito na 'ko."

Pero dugtong din niya, ten years from now, siyempre, hindi rin niya alam kung may posibleng pagbabago. Pero magkaganuman nasabi pa rin niyang, "Siyempre, hangga't maaari, ayokong umalis sa GMA. Dito na 'ko nagsimula. Dito na 'ko lumaki," tahasan niyang pahayag.

No comments: