Sunday, August 10, 2008

Dennis Trillo, Katrina Halili getting closer?

Nahuli sa camera ng GMA News ang pagiging sweet ng "Magdusa Ka" stars na sina Dennis Trillo at Katrina Halili. Patunay kaya ito na nahuhulog na ang loob nila sa isa't-isa? Sa Chika Minute portion ng GMA News' 24 Oras nitong Biyernes, ipinakita ang pagpahid ni Dennis ng tissue sa mga labi ni Katrina. "Mahaba na rin ang pinagsamahan namin mula "Darna" pa lang and "Majika." Kaya natural na naging kumportable na kami sa isa't- isa," ayon sa gwapong aktor. "Natural lang naman po yun kasi lagi kaming magkasama sa shoot…sweet naman siya as leading man," paliwanag naman ni Katrina. Kalat na rin umano ang kwento na kahit tapos na ang mga eksena ni Dennis sa "Magdusa Ka" ay nanatili pa rin ang aktor sa set at matiyagang hinihintay si Katrina kahit malalim na ang gabi. Totoo rin ba may nakakakita rin sa dalawa na magka-holding hands kahit off-cam? "Pagiging gentleman… wala naman problema ron di ba," paglilinaw ni Dennis. Sa ngayon, wala naman daw love life si Katrina pero masaya siya dahil alam nyang may mga taong nagpapahalaga sa kanya. "Masaya na po ako na may mga nag-e-effort. May mga nagpapasaya sa akin," ayon sa seksing aktres. Ano naman kaya ang masasabi ni Dennis tungkol sa mga intriga sa kanila ni Rufa Mae Quinto na co-star nya sa movie na I.T.A.L.Y.. "Sana 'wag na natin masyadong ungkatin 'yan dahil may boyfriend na yun tao. Mas maganda siguro kung hayaan na lang natin siya," pakiusap ni Dennis. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

No comments: