Overworked man, masaya si Katrina sa pagkakataong ibinigay sa kanya para sa apat na pilot episodes ng Obra.
"Apat na episode kasi ito, yung kay Direk Jun Lana, 'Misteryosa,' bale kambal ako doon. Yung isa, parang manang-manang ang tipo, yung isa naman ay parang sopistikadang manamit. Bale suspense-thriller ito.
"Iyong kay Direk Joel Lamangan naman, taong grasa-drama ito. Magdadrama po ako rito, medyo nahihirapan nga ako. Dinumihan talaga ako dito, as in taong grasa, maruming-marumi talaga at pati ngipin ko, nilagyan nila ng itim. At saka may scene ako rito na manganganak, e, ngarag na ako at walang boses, e.
"Yung isang episode naman na gagawin pa lang namin this week din, si Bibeth Orteza naman ang director. Comedy naman po ito at kasama namin doon sina Eugene Domingo, Eddie Garcia, at iba pa. Yung huling episode po, ang direktor ay si Direk Maryo J. delos Reyes, 'Bayaran' ang episode na ito, medyo bitchy-bitchy naman yung karakter ko rito," paglalarawan ni Katrina sa apat na episodes na gagawin niya sa Obra.
Wala siyang itulak-kabigin sa bawat episode, kaya't nasabi niyang lahat ay challenging at nag-enjoy siyang gawin.
"As in lahat po, e, kasi iba-iba... Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter, may suspense, drama, sexy, at comedy. Like yung kambal ako, dalawang personality 'yon; matino ka, 'tapos biglang nagiging parang may sayad ka. Iba-iba ang mapapanood sa akin dito kaya enjoy ako," nakangiting saad ng StarStruck alumna.
Nagbida si Katrina sa pelikulang Gigil at sa magtatapos na drama series na Magdusa Ka, pero prior to this ay puto kontrabida ang roles niya. Ngayon kaya ay tuluy-tuloy na ito ng bago niyang status bilang full-fledged leading lady o bida?
"Sa ngayon, ang mga ibinibigay talaga sa aking project ay mga bida, e. Hindi ko naman po masasabi kung ano ang ibibigay sa akin ng GMA-7. Pero sa ngayon po talaga, hindi ako magkokontabida and nagpapasalamat ako sa pag-aalagang ibinibigay sa akin ng GMA," sani Katrina.

No comments:
Post a Comment