Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Joross sa naibalita rito sa PEP na pag-amin ni Katrina Halili na pagdi-date nila ng young actor. Pero ayon kay Joross, "friendly date" lang naman daw yun.
"Ano lang yun, bale sa Butuan City kami nagkaroon ng chance na magkakuwentuhan, konting bonding, kasi nag-guest kami ro'n through Direk Maryo J. de los Reyes's invitation. After that, nagkaka-textan na. E, noong nasa Butuan pa lang, pareho pala naming gustong mapanood yung movie na Wanted. Kaso lang, hindi rin namin napanood kasi wala nang time, so nag-dinner na lang kami, kuwentuhan," kuwento ni Joross.
May plano ba siyang ligawan ang two-time FHM's Sexiest Woman?
"Friends lang talaga kami," giit ni Joross. "Nasa point na ine-enjoy lang namin pareho yung company ng isa't isa. Kapag libre ako at libre rin siya at may time na lumabas, e, di sige. Yung tungkol sa tanong n'yo na ligawan, wala pa yun, hindi pa namin yun naiisip. Parang maaga pa naman masyado. At saka sa part ko naman, matagal na rin naman akong walang dine-date."
Sa mga hindi nakakaalam, bago pa man mag-artista si Joross at si Katrina ay nag-o-audition pa lang for StarStruck, nagkakilala na silang dalawa. It was the time na kasama raw ni Joross ang mga barkada niya sa Eastwood at isa sa barkada niya ay kilala ang dating manager niya na si Jun Reyes.
Ito rin ang pagkakataon na inalok ni Jun, who happened to be with Katrina that time, kung type ba ni Joross na mag-artista. Pero dahil magkaiba nga sila ng network—Joross is from ABS-CBN while Katrina is with GMA-7—usually kapag may events or awards night na lang daw sila nagkakaroon ng chance na magkita.
Ano naman ang masasabi ni Joross kay Katrina?
"Si Katrina, okey, mabait, at saka sweet din siya. Akala ko kasi noong una, sabi ko nga sa kanya, para kakong masungit siya. Pero hindi naman pala; tahimik at saka mabait. Para siyang Barbie!" natatawa pang paglalarawan niya sa bida ng Magdusa Ka.
As early as now, may nagsasabi na baka nagkakaroon lang daw ng gamitan sa pagitan nina Joross at Katrina. Dahil isa sa hottest stars ngayon si Katrina, may nagpaparatang na baka ginagamit lang daw siya ni Joross.
"Basta kami totoo," sabi naman ni Joross. "Isipin na lang nila kung ano ang gusto nilang isipin. Kung yung iba siguro ginagawa yun, pero ako or kami, hindi namin ugali ang manggamit, lalo na ang gumimik."
Nilinaw rin ni Joross na wala sa bokabularyo niya ang mamangka sa dalawang ilog dahil prior to Katrina, nali-link din naman siya sa isa pang Kapuso star na si Glaiza de Castro. Ayon sa binata, nagte-text pa rin naman daw sila ni Glaiza hanggang ngayon.
"Friends lang naman kami ni Katrina. Friends din kami ni Glaiza. Wala naman akong girlfriend at wala rin naman akong nililigawan talaga. So, sabi ko nga, ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa.
"Yung sa amin ni Katrina, parang sa amin ni Angelica Panganiban, may time din naman na lumalabas kaming dalawa lang. With Glaiza kasi, never pa talagang nagkaroon ng chance na makalabas kaming dalawa. Nagkakataon kasi na busy siya 'tapos ako rin naman, naging sobrang busy. Pero wala namang problema, puro text-text pa rin," pahayag ni Joross.
No comments:
Post a Comment