Saturday, August 16, 2008

Katrina Halili challenged by director Joel Lamangan in "Obra"

First time nakatrabaho ni Katrina Halili si Direk Joel Lamangan at aminado ang young sexy actress na kinabahan siya sa unang encounter niya sa batikang direktor. Isa si Direk Joel sa apat na director na humawak kay Katrina sa bagong drama anthology ng GMA-7 na Obra, kung saan ang young sexy actress ang unang featured star.

"First time po akong naidirehe ni Direk Joel, e. Opo, kinabahan ako kay Direk. Natatakot ako, hindi ko alam kung nagagawa ko ang gusto ni Direk. Pero kapag hindi gusto ni Direk, sinasabihan niya ako na, 'Hindi ko naramdaman, ganyan-ganyan...' Inuulit lang po. And sa totoo lang po, napi-feel bad na ako lately sa acting ko. Parang hindi naman ako ganito dati, ewan ko ba," saad ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Obra noong Huwebes, August 7, sa Mandarin Oriental Hotel sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Pero idinagdag ni Katrina na mas nakaramdam siya na ma-challenge sa Obra kesa kabahan dahil sa pagiging premyado ng kanyang direktor sa naturang episode.

"Opo, natsa-challenge ako dahil Direk Joel 'yan, e. Pero hindi ko maintindihan, medyo nahihirapan ako ngayon mag-ano, e, siguro dahil sa pagod. Kasi halos every day ay puyat. Lalo na sa Magdusa Ka, hanggang umaga ay iyak ako nang iyak doon, 'tapos puyat pa.

"Lalo na noong nakaraan, nag-Magdusa ako ng six to eleven a.m, 'tapos dumiretso ako ng Obra na hanggang eleven a.m. din 'yon [kinabukasan], kaya lagpas isang buong araw ay nagtatrabaho ako bale," wika ni Katrina.

Epekto nga ng sobrang trabaho na halos wala nang pahinga kaya parang ngarag na ngarag lagi ang young actress. Puwede ngang tawaging "ang babaeng walang pahinga" si Katrina dahil sa dami ng kanyang projects. Kabilang dito ang kanyang coffee table book, tatlong pelikulang nakatakda niyang simulan—Miss X at One Night Only ng OctoArts Films at Sundo ng GMA Films with Robin Padilla. Plus, nariyan pa ang Gagambino with Dennis Trillo at ang Obra na magsisimula ng mapanood sa August 14, Thursday.

No comments: