Itinanggi ni Iwa Moto na gusto niyang kumpitensiyahin si Katrina Halili bilang pinakaseksing young star ng bansa. Nilinaw ng StarStruck 3 First Princess na hindi siya magsasalita ng masama kontra kay Katrina dahil kaibigan niya ito.
"Hindi po, wala akong sinasabing kakabugin ko si Katrina. Ang sabi ko po, 'I will do my best' dahil sinasabi ng iba na baka ako na raw ang pumalit kay Katrina this time. Pero siyempre po, hindi ko naman alam 'yon, kasi ang mga tao naman ang magde-decide, di ba? I mean, sila naman ang bumoboto at nagpapasya kung sino nga ang nararapat sa koronang 'yon, e.
Sinabi ni Iwa na ayaw nilang magpa-apekto ni Katrina sa mga intriga.
"Ang pagkakaibigan namin ni Kat, labas sa trabaho. So, kung pagsasabungin man kami ng iba, trabaho is trabaho at labas yung friendship namin dito.
"Kami naman kasi ni Kat, ang pagkakaibigan namin ay hindi lang pang-showbiz. Actually, yung iba lang ang nang-iintriga sa amin, parang may iba na gusto kaming pag-awayin ni Kat. Pero dedma lang kami, hindi naman nila kami mapag-away, e."

No comments:
Post a Comment