How true itong nabalitaan naming type raw ni Katrina Halili si Gerald Anderson?Nagkasama raw sa Puerto Prinsesa Palawan nu'ng October 26 sina Katrina, Gerald, Mark Herras at Kim Chiu at naghandog ang dalawang pares ng kani-kanyang song numbers para sa mga taga-roon.
Ayon pa sa nagtsika sa amin, nu'ng nasa stage raw si Katrina, agad daw niyang tinawag si Gerald para maging partner sa isang song number kaya laking gulat daw ng audience na hindi si Mark ang tinawag ng seksing aktres!
Type pala ni Katrina si Gerald? O baka type lang niyang inisin si Kim that day kaya nakipag-sing along ang seksi star sa love ni Kim. Hindi kaya?
Ano naman ang say ni Mark Herras dito? Hindi naman ba nainsulto ang pagkalalaki ni Mark sa ginawang ito ni Katrina?
Well, knowing Mark, cool dude ang gwapong ito, naiintindihan niyang it's part of the game, ika nga.
Kaugnay pa rin ng insidenteng ito, ibinalita rin sa amin ng aming source na napahiya raw si Kim habang kumakanta. Ano ba ito? Nagloko umano kasi ang CD na ginamit ni Kim at hayun, nabuking na nagli-lip synch lang ang dalaga.
In fairness kay Gerald, nagmistulang hero siya ni Kim dahil agad niyang sinamahan ang dalaga habang umiyak daw ito on stage. May ganoong eksena talaga?
Well, it happens lalo pa 'pag sa mga live shows na ganyan, di ba? Inevitable ang mga ganyang bagay, next time ingat na lang.

No comments:
Post a Comment