Monday, July 14, 2008

Katrina gustong balikan ng ex-bf

MADALAS pa rin palang nagkakausap ngayon sina Andrew Schimmers at Katrina Halili kahit inamin na nilang break na sila.

Nang nakausap namin si Andrew, nasabi niyang close friend pa rin silang dalawa ni Katrina. Kung hindi naman sila nagkikitang madalas, nag-te-texting daw sila at nagtatawagan.

"Sa ngayon, hindi ko pa masasabing magkakabalikan na kami ni Katrina. Wala sa isip namin ang muling magkaroon ng relasyon. Masaya na kaming magkaibigan sa ngayon. Kung magkakabalikan kami, hindi pa siguro panahon. Pareho kaming busy sa aming career."

Nabanggit ni Andrew na super busy si Katrina sa soap nitong Lupin. Almost four times a week daw ang ta-ping nito.

No comments: