Tuesday, July 8, 2008

Katrina Halili, rebeldeng kagandahan!

Hindi maikakaila na ang hinahangaan ngayon sa larangan ng pagiging sexy ay walang iba kundi si Katrina Halili.

Magkasunod na taon ngang tinanghal si Katrina bilang Sexiest Woman In The Philippines ng FHM Magazine. At mula na rin sa bibig ng mga kalalakihan, si Katrina, para sa kanila ang simbolo ng kanilang maka-mundong pagnanasa.

Pero sa likod ng maalindog na presensya ni Katrina, nana-natili ang isang simple at halos 'di makabasag pinggan na babae.

Oo at mararamdaman mo pa rin ang pagiging konser-batiba niya kahit na nagkalat na ang mga seksing larawan niya kung saan-saan.

Mas kilalanin pa natin si Katrina at ang kanyang magkaibang mundo…

RUEL MENDO-ZA: Mahirap ba ang matawag na sexy? May challenge pa ba iyon sa 'yo?

KATRINA: "Oo naman kasi ang laki ng expectations sa 'yo ng maraming tao. Sa lagay ko ngayon, maraming nagsasabi na dapat ma-maintain ko ang ganitong katawan. Hindi ako puwedeng tumaba… 'yun ang challenge sa akin. Mahirap. Akala lang nila masarap, pero hindi lahat ng gusto kong kainin puwede! Ha! Ha! Ha! Ha! Unfair 'di ba?"

RUEL: Minsan ba ginugutom mo ang sarili mo para lang ma-maintain ang hubog ng kata-wan mo?

KATRINA: "May gano'ng pagkakataon. Lalo na kapag may pictorial ako. Hala, two days wala akong kakainin. Tubig lang at pasubu-subo lang ng crackers. Masama pala iyon. Kasi hindi maganda sa pakiramdam, sa totoo lang.

"Before kasi, tamad ako mag-workout. Eh, kailangan pala talaga ng ganun. Hindi pala healthy 'yung ginugutom mo ang sarili. Payat ka nga pero bigla ka na lang matutumba sa hilo, maganda pa ba iyon? Ha! Ha! Ha! Ha!"

RUEL: Nais mo bang i-share ang sikreto mo sa mga gustong tularan ang katawan mo?

KATRINA: "Ay naku, hindi puwede! Ha! Ha! Ha! Ha! Ayoko nang may katulad! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Wala namang sikreto talaga. Proper diet lang tapos exercise. At dapat may confidence parati. Laging may feeling ka na ang ganda-ganda mo, kahit hindi! Ha! Ha! Ha! Ha! 'Yan ang natutunan ko sa mga bading. The secret is in the attitude. Try nila at instant pampaganda. Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero siyempre, samahan nila 'yan ng pagpapa-tingin kay Dra. Vicki Belo! Ha! Ha! Ha! Ha!"

RUEL: Sino sa palagay mo ang puwedeng pumalit sa trono mo? Kanino ka naseseksihan?

KATRINA: "Walang papalit sa trono ko! Akin lang siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Kayo naman para namang ang tanda ko na para palitan sa trono. Siguro kung sino ang puwedeng makasabay ko? Mas tama iyon sa edad ko, 'di ba?

"Siyempre, walang iba kundi si Cristine (Reyes). Sa kanya ko nakita 'yung attitude. May angas, eh. Talo pa nga niya ang pagiging maangas ko. Noon pa naman, si Cristine may dating na. Nahihiya lang kasi 'yan noon. Eh ngayon, todo na siya, 'di ba? Kaya proud ako sa kanya.

"Sa totoo lang, kayang-kaya na ni Cristine. Kapag nakikita ko nga ang mga pictures niya, parang nato-tomboy ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Gano'n kalakas ang dating ni Cristine sa akin."

RUEL: Masasabi ring hawak din niya ang pagiging young kontrabida. Tulad na lang ng role niya bilang Angelika sa Marimar, marami ang nagagalit sa kanya kapag inaapi niya si Marian Rivera. Nakakaapekto ba ito sa everyday na pamumuhay niya?

KATRINA: "May ibang tao kasi, hindi maihi-walay ang pagiging kontrabida ko sa TV. Akala nila maldita talaga ako. Minsan napapaaway ang mga kasama ko dahil may mga umookray sa akin. Tama ba naman iyon? Affected sila! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero napaka-effective ko pala na kontrabida kaya may reaction mula sa maraming tao. Kaya I don't mind na magkontrabida. Iba ang dating, eh. Parang mas may power. Mas nakatatak ka sa isipan ng maraming tao.

"Yung mga nakakakilala naman sa akin sa totoong buhay, alam nila na hindi ako salbahe. Iba sa totoong buhay. Kung si Angelika sa Marimar ay super maldita, si Katrina ay maldita lang! Ha! Ha! Ha! Ha!"

RUEL: Ayaw na ayaw mo nga pala na binabastos ka ng mga lalake. Pinaglalaban mo ang pagiging babae mo.

KATRINA: "Dapat lang naman. Kasi may ibang mga lalake diyan, porke't nakikita lang na nagpapa-sexy, akala nila eh ang cheap mo na. Hello, ano bang pag-iisip 'yan?

"I admit, marami na akong nakaaway na mga tao dahil nambabastos sila. Minsan, wala ka namang ginagawa at nagtatrabaho ka lang biglang may hihirit na hindi maganda. Nakakainit ng ulo, 'di ba?

"Kaya lumalabas ang pagiging mataray ko. I think, normal lang na reaction iyon kasi pagkatao mo na ang nakataya, eh. Hindi ako basta-basta magpapabastos. Matuto silang respetuhin ang babae kung may mga nanay pa sila at may mga kapatid na babae, 'di ba?"

RUEL: Pinalaki ka nga raw sa isang konserbatibong pamilya. Strict daw ang parents mo pero may pagkarebelde ka raw?

KATRINA: "Hindi naman totally rebelde. Kasi dalawa lang kaming magkapatid. Tapos sa magkaiba pa ng tirahan kaming magkapatid at mga parents ko. Sa Palawan sila nakatira kasi. Nasanay lang siguro ako na gawin ko ang mga gusto ko. Kapag pinipigil ako, doon ako parang asar.

"Part naman iyon ng growing up, 'di ba? Hindi naman ako lumaking suwail o sakit ng ulo. May mga times lang na hindi ako sumusunod. Wala lang kasi feel ko lang! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero ngayon, mas may responsibilidad na ako. Lahat naman ng gastusin dito sa Manila, ako na ang nag-aasikaso. Hindi na ako dependent sa parents ko. Nakakahiya naman kung humingi pa ako, eh ang dami kong trabaho. Kaya lahat ng gastos hawak ko na."

RUEL: Ano pa ba ang hindi alam ng marami kay Katrina Halili?

KATRINA: "Na sweet ako at hindi mataray. Na minsan, ako ang inaapi at hindi ako ang nang-aapi. Na madali akong lapitan at kausapin. Huwag lang akong bastusin.

"Huwag nilang idikit ang pagkatao ko sa mga ginagawa kong mga roles. Trabaho lang iyon, eh. Kilalanin nila ang tunay na Katrina Halili. Puno ako ng pagmamahal at matsika ako talaga. Palakaibigan ako at hindi ako mahilig makipag-away.

"At higit sa lahat, mapagmahal ako sa pamilya ko. Hindi dapat mawala ang pagmamahal sa pamilya, 'di ba? Kahit saan ka makarating, ang pamilya mo pa rin ang importante."

No comments: