Ipinagdiinan ni Katrina Halili na mas nauna siyang tumanggi na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Hindi raw totoo na naimpluwensiyahan lang siya ni Cristine, na lumipat na ngayon sa ABS-CBN.
"Hindi naman totoo na naimpluwensyahan ako ni Cristine kaya hindi na ako pumirma ng panibagong kontrata sa Artist Center. Mas nauna talaga ako sa kanya, kasi two years ago pa, ayaw ko na talagang pumirma.
"Actually, kahit kay Angel Locsin, mas nauna ako na umayaw sa pagpirma sa Artista Center. Noon pa, gusto ko na talagang umalis. "Ayoko po kasi nung minamanduhan at sinasabihan ako ng kung anu-ano. At saka, binu-book nila ako kahit ayaw ko naman, na parang hindi ka puwedeng tumanggi, na parang wala kang pahinga.
"May mga ibinigay sila sa akin na ayaw ko talaga. Like `yung isang movie na pinag-go see nila ako. Hindi ko talaga ginalingan ang acting ko para hindi ako makuha. Kasi nga ayoko nung
project na `yon.
"May mga nagsasabi na maarte raw ako o mapili ako sa trabaho. Hindi ko sinasabing ang Artist Center ang nagpapalabas ng kuwento na `yon. Pero, masakit kasi `yon sa akin.
"Kaya para wala na talagang problema, umalis na ako sa kanila. "Ang hirap kasi ng sitwasyon ko noon. Na kapag may pinapupuntahan sila sa akin, na hindi ako makahindi, tapos hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Nakakapagod na rin pong mag-explain palagi.
"Kaya nga nung wala akong show noon, nagpahinga talaga ako. Hindi ako tumanggap ng booking. In-enjoy ko talaga ang bakasyon ko. "Pero in fairness naman with them, hindi naman nila ako pinabayaan, marami akong booking noon. Napagod lang talaga ako.
"Pero kahit wala naman po ako sa kanila, puwede pa rin nila akong i-booking or bigyan ng project," sabi ni Katrina.
Si Rommel Gacho ang bagong manager ni Katrina ngayon, at kuntento siya sa pag-aalaga nito sa kanya.
"At least ngayon, kaming dalawa lang ni Iwa (Moto) ang hina-handle ni Tatay Rommel.
"Atsaka, kahit naman noong nasa Artist Center pa lang ako, si Tatay Rommel na ang hinihingian ko ng payo. Kumbaga, maganda ang samahan namin. "Kay Tatay Rommel, kapag may project na ini-offer sa akin, tinatanong muna niya ako kung gusto ko. Ini-explain niyang mabuti kung ano `yon. "So, mas maganda `yon, dahil alam ko kung ano ang gagawin ko…" pahayag
ni Katrina.
Alam ni Katrina na posibleng mag-react o magalit ang Artist Center sa mga sinabi niya ngayon. Kaya nilinaw agad ni Katrina na wala siyang intensyong siraan o saktan sila.
Sabi nga ni Katrina, malaki ang utang na loob niya sa Artist Center.

No comments:
Post a Comment