BIG break sa pelikula ang ibibigay ng Regal Entertainment kay Katrina Halili dahil may inihahanda nang launching movie para sa StarStruck 1 avenger na ito. Big budgeted ang movie at malalaking stars ang makakasama niya.
Ang gusto ng Regal na ipartner kay Katrina ay si Dingdong Dantes.
Talaga namang bagay ang sexy movie kay Katrina dahil napakaseksi niya. Remember, pinanggigilan ang kanyang katawan ng kalalakihan nang umapir siya bilang Black Darna sa Darna na katunggali ni Angel Locsin.
Nang huli naming nakausap si Katrina sa set ng Nuts Entertainment, nasabi niyang suwerte sa kanya ang role niyang Black Darna kung saan unang na-expose ang kanyang "assets". Buhat noon ay dumami na ang offers sa kanya at naging calendar at cover pa siya ng FHM last December.
Matagal nang balak i-launch ng Regal si Katrina. Dapat last year pa siya gina-wang ala-Ara Mina. Kaya lang, noong panahon iyon ay hindi pa handa si Katrina sa pagpapaseksi.

No comments:
Post a Comment